Taipei News NetworkTaipei News NetworkTaipei News Network

  • Headline News
  • World
  • Entertainment
  • Migrant Affairs
  • Movies on Theaters

TNN | Entertainment News

Amy Perez at Chokoleit Biktima ng False at Misleading Advertisements

Jing S. Capuz 21 March 2019
  • Share On Facebook
  • Share On Twitter
Star InactiveStar InactiveStar InactiveStar InactiveStar Inactive
 

Kahapon ay pinabulaanan ni Ms. Amy Perez na ini-endorse nya ang negosyong “PAYSBOOK”! Ito ay matapos na makarating sa kanya na may mga kumakalat na pictures nya kasama ang mga members ng nasabing negosyo at parang pinapalabas na kasali sya sa kanilang negosyo.

Nilinaw nya na nakipag-picture lang umano ang grupo ng makasabay nya ito sa airport at ito ang ginagamit nila pang enganyo sa mga tao para makakuha ng mga bagong miyembro.

View this post on Instagram

May mga kumakalat na larawan ko ngayon sa FB kasama ang ilang tao na tila nang-e-engganyo na sumali sa kanilang negosyo na "PAYSBOOK" nililinaw ko po na WALA akong koneksyon sa nasabing grupo sila po ay nag pa picture lamang sa akin nung nakasabay ko sila sa Airport at ngayon ay ginamit na nila ito upang makahikayat ng members katulad ng sinasabi nila sa mga caption nila. Attention @dti.philippines paki check po ito pati na rin sa NBI at kay General Eleazar RD NCRPO Salamat po ng marami.

A post shared by Amy Perez Castillo ? (@amypcastillo) on Mar 19, 2019 at 6:19pm PDT


Kanina naman ay galit na galit ang matalik na kaibigan ni Chokoleit na si K Brosas dahil ginamit ng “VEGIEMAX” ang litrato ni Chokoleit at sinabing kung gumamit lang di umano si Chokoleit ng kanilang produkto ay malamang na buhay pa ito. Si Chokoleit ay pumanaw last March 9, 2019 dahil sa Pulmonary Edema and Heart Attack after niyang mag-show sa Abra para sa Kawayan Festival 2019.

View this post on Instagram

Sinong hindi mang gigil SA ganito?! Actually kahapon May na post din ako na networking keme na ginamit din pics ni Chokoleit sa Fb page ko, pero infer nag apologize yung mismong company kc dealer lang daw yung nag post.. pero ito iba!!! Nag comment na kami nila @pooh_tik At @itspokwang27 na burahin At paki explain bakit kelangan gamitin pics ni Chokoleit SA promo NG nyetang vegiemax nila?? Aba! Imbes na burahin yung post nila.. binura yung comments namin?! Wow! At ang hindi ko kinaya eh nag comment pa sila na “kung naka take c Chokoleit NG vegiemax, malamang buhay pa sha” (SWIPE para makita) .. seriously?!! BAWAL po yan FYI.. ang pag gamit NG pic NG sino Mang artista na di nyo endorser o walang permiso... ano pa kaya kung patay na?!! Pwede kayong idemanda Mga dimunyu kayo! Pwede tayo mag negosyo At mag trabaho NG tamang paraan.. wag Mang gamit ng ibang tao At RESPETO lang naman! Dahil dinedma nyo mga comments at paki usap namin.. ayan! Sikat kana!! Palakpakan!! ???

A post shared by Carmela Brosas (@kbrosas) on Mar 20, 2019 at 5:25pm PDT

Pinakiusapan na umano nila na burahin ang picture ni Chokoleit pero sa halip, ang comments niya at comments nina Pokwang at Pooh ang dinelete nila.

Nakakalungkot na minsan ang tao para lamang kumita, nakakalimutan ng magpaka-tao at nakukuhang manloko. Matuto sana tayo mag-respeto para sa taong yumao na at sa kanilang pamilya at kaibigan.


Rating

( 0 Rating )

Category

Entertainment

Hits

1735 times
  • Prev
  • Next
Copyright 2016~2019 © Taipei News Network. All Rights Reserved.

Search

  • Headline News
  • World
  • Entertainment
  • Migrant Affairs
  • Movies on Theaters