Taipei News NetworkTaipei News NetworkTaipei News Network

  • Headline News
  • World
  • Entertainment
  • Migrant Affairs
  • Movies on Theaters

TNN | Entertainment News

Baby Malia ni Pokwang, may music video na!

Jing S. Capuz 12 April 2019
  • Share On Facebook
  • Share On Twitter
Star InactiveStar InactiveStar InactiveStar InactiveStar Inactive
 

Nakaka-aliw ang bagong music video ng baby nina Mamang Pokwang at Papang Lee O’Brian na si Malia. Her song is entitled Malia Malia Song featuring Pokwang.

Kanya-kanya nalang tayo ng interpretasyon sa kanta ha, ang importante, happiness at good vibes ang hatid ni cutie Malia sa atin. ?

Nagkakilala at nag-kaibigan sina Lee O’Brian at Pokwang ng magsama sila sa pelikulang Edsa Woolworth.

Year 2015 ng makunan si Pokwang kaya naman talagang pinagdasal nya na sana ay biyayaan pa sila ng anak ni Lee. January 18 last year ng pinanganak ni Pokwang si baby Malia. Maituturing ngang napakalaking blessing ni Malia kay Pokwang dahil sya ay 47 years old na ng manganak!

At dahil tisay na tisay si Baby Malia, inaasar sya ng kaibigan nyang si K Brosas na dapat palagi siyang mag-aayos, mag-lipstick ganyan, para hindi sya mapapagkamalang yayey ng anak nya! ?

Kwento pa ni Mamang Pokwang, pauwi sila galing San Francisco ng karga karga niya si Malia for boarding at kinuwestion sya ng isang ground staff kung talagang anak nga niya si Malia! ??

Congratulations Mamang Pokie and Malia!

Rating

( 0 Rating )

Category

Entertainment

Hits

1383 times
  • Prev
  • Next
Copyright 2016~2019 © Taipei News Network. All Rights Reserved.

Search

  • Headline News
  • World
  • Entertainment
  • Migrant Affairs
  • Movies on Theaters